-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Feeling vindicated ngayon ang commission en banc ng Commission on Elections o COMELEC matapos kasuhan ng Federal grand jury ng Florida sa Estados Unidos si dating chairman Andy Bautista dahil sa pagtanggap umano nito ng suhol mula sa voting machine company na Smartmatic na syang ginamit sa general elections ng Pilipinas noong tang 2016.

Nahaharap ang dating poll body chief ng one count sa kasong conspiracy to commit money laundering at 3 counts sa international laundering of monetary instruments.

Kasama sa mga kinasuhan sina Smartmatic President Roger Alejandro Piñate Martinez, dating Smartmatic Philippines General Manager Elie Moreno, at Smartmatic Taiwan leader si Jose Miguez Vasquez.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni chairman Garcia na dito nila mapapatunayan na ang pag-disqualify nila sa Smartmatic sa bidding para sa 2025 mid-term elections, ay hindi bunga ng ibinato sa kanilang umano’y abuse of discretion kundi dahil sa nakita rin ng US Justice Department na may anomaliya noon sa pagitan ng kanilang dating head at ng nasabing election machines provider.