Gagamit ang Commission on Elections ng mahigit 200,000 subscriber indentity module(SIM Card) para sa transmission ng resulta ng 2025 Midterm Elections.
Ayon sa komisyon, kinontrata na nito ang isang pribadong kumpaniya na siyang mangunguna sa pag-secure sa kakailanganning bilang ng mga SIM cards.
Ang naturang kumpaniya ay kasalukuyan na ring nakikipag-ugnayan sa tatlong malalaking telecommunications company sa bansa upang makagawa ng mahigit 200K SIM cards.
Batay sa napagkasunduan, 120,000 ang manggagaling sa Smart, habaang ang nalalabi ay paghahatian na ng Globe at Dito.
Ayon sa komisyon, may mga nakalaang security feature sa mga gagamiting SIM upang matiyak na mapoprotektahan ang integridad ng botohan at masiguro ang maayos na transmission.
Ayon pa sa Comelec, target nitong magkaroon hindi lamang ng mabilis na transmission kungdi malinis at walang anumang duda na transmission ng election result
Isasagawa ang 2025 Midterm sa May 12, 2025.