Epektibo na simula ngayong araw, January 12,2025 ang nationwide gun ban hanggang June 11, 2025, bilang bahagi ng election period para sa nalalapit na May 2025 midterm elections.
Tanging ang mga partikular na grupo, kabilang ang mga ahensya ng pagpapatupad ng batas, mga justice, hukom at ilang mga propesyonal tulad ng mga cashier na humahawak ng malaking halaga ng pera, ay exempted sa ilalim ng Commission on Elections (Comelec) resolution sa gun ban.
Habang ang ibang licensed gun owners ay kailangang sumunod sa ban o mag apply ng Certificate of Authority mula sa Commission on Elections (Comelec) para magdala ng baril sa legal na paraan.
Pinangunahan naman ni Comelec Chairman George Erwin Garcia at PNP Chief PGen. Rommel Francisco Marbil ang ceremonial launching ng Comelec checkpoints ngayong araw na ginanap sa Kartilya ng Katipunan, Padre Burgos, Manila.
Samantala, kinumpirma ni Marbil na apat na indibidwal, naaresto sa magkakahiwalay na COMELEC checkpoints sa bansa dahil sa paglabag sa ipinatutupad na gun ban.
Ito’y kasunod ng pagsisimula ng election period ngayong araw.