-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Dadalhin na ang mga Vote Counting Machine (VCMs) sa iba’t ibang bayan sa Benguet sa Mayo 8 hanggang 10 para sa isasagawang final testing and sealing bago ang May 13 midterm elections.

Ayon kay Benguet Provincial Election supervisor Atty. Nicasio Jacob, manggagaling ang mga VCMs sa Comelec hub sa PEZA Compound, Loakan, Baguio City.

Sinabi niya na mas maagang ipadadala ang mga VCM na gagamitin sa Kibungan, Benguet sa Mayo 8 dahil napakalayo ng mga lugar doon.

Tiniyak ni Jacob na wala namang problema sa mga nakatakdang pagbiyahe sa mga VCMs maliban lamang kung magbabago ang kalagayan ng panahon.

Una nang nakipag-ugnayan ang Comelec sa pulisya para sa pagbabantay sa mga election paraphernalia.