Nais ma-neutralize ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Garcia ang mga private armed groups sa bansa bago ang 2025 national and local elections.
Ito’y kasunod narin sa kahilingan ni Interior Secretary Jonvic Remulla na mag order ng maaga ang kapulisan sa Central Luzon upang i-dismantle ang mga armadong grupo na maaaring makasagabal sa kapayapaan at katatagan sa rehiyon.
Inuutos naman ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa ahensya ang kapakanan at kaligtasan ng mga kandidato at publiko para sa paparating na halalan.
Para kay Garcia, nanatiling prayoridad ng Comelec ang mga botante at binigyang diin pa nito na dapat hindi pinipilit o tinatakot na bumoto ang mga tao para sa isang partikular na kandidato.
Samantala, naka set naman ang campaign period para sa senatorial candidate at party-list groups sa Pebrero 11 sa susunod na taon.
Habang ang campaign period para sa mga kandidato ng House of Representatives at parliamentary, provincial, city at municipal elections sa Bangsamoro ay itatakda sa Marso 28 hanggang Mayo 10 sa susunod na taon.