Hinikayat ng Commission on Elections (COMELEC) an Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na tulungan sila para labanan ang anumang uri ng vote buying sa darating na Mayo 12.
Sinabi ni Comelec Chairman Atty. George Garcia, na isa sa mga paraan na maaring gawin nila ay huwag payagan ang sinumang kliyente na magpapapalit ng barya na maaring gamitin sa pambili ng boto.
Marapat din na hindi hayaan ng BSP na magpapalit ng tig-P100 o P200 ang mga kliyente dalawang linggo bago ang halalan.
Sa nasabing paraan ay umaasa ang Comelec na mabawasan ng hanggang 25 percent ang mga insidente ng bilihan ng boto.
Naniniwala din si Garcia na ang bilihan ng boto ay hindi isasagawa yan isang buwan bago ang halalan at sa halip ay maaring isagawa ito sa dalawang araw bago ang halalan.