-- Advertisements --

Hindi nababahala ang Commission on Elections (COMELEC) sa kalalabasan ng impeachment kay Vice President Sara Duterte.

Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia, na hindi sila maapektuhan lalo na sa paghahanda nila sa nalalapit na halalan.

Hindi rin sila maghihigpit sakaling magkaroon ng media exposure ang mga reelectionist na kandidato na bahagi sa impeachment trial.

Paglilinaw niya na ang balita ay may kaibahan sa promosyon ng sarili.

Maituturing kasi na isang pagharang sa ‘freedom of expression’ kung kanilang pipigilan ang mga opisyal ng gobyerno na magsalita.