-- Advertisements --

Hinikayat ng Commission on Elections (COMELEC) ang publiko na suriin mabuti ang mga listahan ng mga kandidato at mga partylist groups.

Kasunod ito sa paglalagay na ng COMELEC sa kanilang websites ang mga certificate of candidacies ng mga senador at mga certificate of nomination and acceptance (CONA) ng mga partylist groups.

Ang ilang bahagi ng COC ng 66 senadors at CONA ng 166 party-list groups ay bahagyang hindi ipinakita bilang pagsunod sa Data Privacy Act.

Paliwanag pa ni Garcia na ginawa nila ito para masuri mabuti ng mga botante ang mga COC at CONAS ng mga kandidato.