-- Advertisements --

Hiniling ng Commission on Elections (Comelec) sa mga proponents ng people’s initiative na naglalayong amyendahan ang 1987 Constitution na kunin ang mga signature sheet mula sa mga tanggapan ng poll body.

Dahil ang buong proseso ng naturang hakbang ay nasuspinde.

Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na mas makabubuti kung kukunin ng mga proponents ang mga signature sheet na isinumite sa kanilang mga lokal na tanggapan.

Sinabi ni Garcia na kakailanganin lamang ng mga proponent na ibalik ang certification na naunang inisyu ng Comelec para makuha ang signature sheets, na nagsasaad ng bilang ng mga pirma na natanggap ng poll body.

Tiniyak niya na sapat na pangalagaan ng mga lokal na tanggapan ng Comelec ang mga dokumentong hindi babawiin.

Tinanggihan ni Garcia ang mga panawagan sa Comelec na itapon ang mga signature sheet, at sinabing may pananagutan sila sa mga dokumento.