-- Advertisements --

Nanawagan si Deputy Speaker Rufus Rodriguez sa Commission on Elections (Comelec) na i-exempt din ang pamamahagi ng fertilizer at fuel subsidies sa mga magsasaka sa election campaign spending ban.

Aniya ang mga magsasaka ay kagaya rin sa mga PUV (public utility vehicle) drivers kung saan pawang nangangailangan ng funding support.

Magugunitang, nauna nang pinayagan ng Comelec ang pamamahagi ng assistance sa mga driver at operators sa mass transport vehicles.

Ang sektor ng transportasyon at agrikultura ay kabilang sa mga lubhang apektado ng pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo at iba pang pangunahing bilihin.

Aniya, kailangan ng mga magsasaka ng pondo para sa paghahanda ng kanilang mga sakahan bago ang inaasahang pagsisimula ng tag-ulan.