-- Advertisements --

ILOILO CITY – Malaking hamon para sa Commision on Elections (COMELEC) ang paghikayat sa publiko na magparehistro sa May 9, 2022 national and local elections.

Ito ang inamin ni former COMELEC Commissioner Gregorio Larrazabal, kasabay ng kanyang pagpunta sa Iloilo upang pangunahan ang voters registration.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Larrazabal, sinabi nito na umaabot lang sa higit isang milyon ang mga registrants sa buong bansa mula ng nagsimula ang registration noong Setyembre 1, 2020.

Ayon kay Larrazabal, maliban sa pandemya, isa rin ang pagiging makupad ng mga Pinoy sa mga dahilan upang hirap na maabot ang 4-million na target registered voters bago ang deadline sa Setyembre 30 ngayong taon.