-- Advertisements --

Nagbigay-paalala ang Commission on Elections (COMELEC) sa mga politiko na dadalo o makikiisa sa Iglesia ni Cristo National Rally for Peace ngayong araw, Enero 13, na huwag gamitin ang kaganapan para sa pamumulitika.

Sinabi ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia na huwag gamitin ang mga ganitong klaseng religious activities upang mangampanya para sa halalan.

Matatandaan na ngayong araw, Enero 13, ay nagsagawa ang Iglesia ni Cristo ng nationwide peace rally sa Quirino Grandstand. Ito ay naglalayon na magkaroon ng kapayapaan para sa lahat ng nangyayari sa pamahalaan at buong mundo.

Sa kasalukuyan, lumagpas na sa mahigit 1 Milyon ang dumalo at nakiisa sa peace rally.