-- Advertisements --

Ibinasura ng Commission on Elections (Comelec) ang motion for reconsideration para i-diskwalipika si Senator Raffy Tulfo sa senatorial race noong May 2022 national at local elections dahil sa kakulangan ng ebidenisya.

Inihain ni Julieta Licup Pearson na may petsang Mayo 10, 2022 ang naturang disqualification petition laban kay Tulfo dahil sa kabiguang makasunod sa mandatory requirements.

Nabigo aniya si Tulfo na ilahad ang pangalan ng asawa nito sa kaniyang Certificate of Candidacy (COC) at iginiit na sila ay kasal na at ibinunyag din nito ang dual citizenship ni Tulfo.

Una ng ibinasura ng Secon division ng poll body ang naturang kaso noong Pebrero ng nakalipas na taon.

Sinabi pa ng Comelec na ang Senate Electoral Tribunal ang dapat na magsagawa ng pagdinig sa nasabing kaso laban sa nakaupong mambabatas gaya ni Tulfo na naiproklama na bilang Senador noong ika-18 ng Mayo at nanumpa nong ika- 22 ng Hunyo ng nakalipas na taon.