-- Advertisements --

Ibinasura ng Commission on Elections ang hirit ng maraming Barangay Officials na gamitin ang ilang bahagi ng kanilang pondo ng Barangay ngayong buwan hanggang Oktubre.

Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia, na maraming punong barangay sa bansa ang sumulat sa kanilang opisina.

Gagamitin aniya nila ang pondo sa ilang proyekto at social services.

Naniniwala si Garcia na maaring gamitin ng mga nanunungkulan sa barangay ang nasabing proyekto para sa kanilang pangangampanya sa nalalapit na halalan.

Tanging ang mga operating expenses lamang gaya ng suweldo, bayad sa kuryente, tubig at telepono ang papayagang gamitin.