-- Advertisements --

Ibinasura ng Commission on Election (COMELEC)ang petisyon na humihiling na i-disqualify ang nakakulong na si Pastor Apollo Quiboloy sa pagtakbo sa 2025 election.

Ayon sa desisyon ng Comelec First Division na hindi sila nakumbinsi ng petitioner kung bakit maituturing na nuisance candidate si Quiboloy.

Nakasaad sa petition na inihain ni labor leader Sonny Matula, na dahil sa material misrepresentation kaya dapat idis-qualify si Quiboloy.

Wala aniyang basehan ang nominasyon ni Quiboloy ng Workers’ and Peasant Party (WPP) na pinirmahan umano ng isang Mark Tolentino ang nomination of acceptance ng dating Pastor.

Hindi umano opisyal o miyembro ng WPP si Tolentino kaya marapat na ito ay ibasura na.

Dagdag pa ng COMELEC na ang pagsumite ng hindi otorisadong CONA ay hindi maaaring maging material misrepresentation.