Ibinasura ng Commission on Elections (Comelec) en banc ang petisyon para muling buksan ang ballot boxes na ginamit noong 2023 elections.
Una na ngang inihain ang naturang apela ng tinatawag na trio na binubuo nina dating Information and Communications Technology Secretary Eliseo Rio, dating Elections Commissioner Gus Lagman, at ex-Finance Executives Institute president Franklin Ysaac.
Kinumpirma ni Comelec Chairperson George Garcia na ang mosyon ng tatlo kung saa hiniling ng mga ito na manual na isama ang ilang mga balota lalo na ang ginammit sa Sto. Tomas, Batangas ay di-nismiss ng en banc.
Ang dahilan aniya ng dismissal ng petisyon ay dahil inihain ng tiro ang petisyon para ideklarang failure ang halalan sa buong Pilipinas.
Taliwas aniya ito sa kanilang hinihiling na remedyo na pagbibilang ng mga balota.
Maliban dito, ipinaliwanag din ni Garcia na mayroong nagpapatuloy na protesta sa Sto Tomas kaugnay sa posisyon ng alkalde ng siyudad hinggil sa usapin kayat hindi nila makuha ang mga balota sa lugar dahil sa protective custody order.