Iginiit ng Commission on Elections na matutuloy ang Bangsamoro parliamentary elections sa buwan ng Mayo sa susunod na taon.
Ito ay sa kabila ng naging desisyon ng Korte Suprema na alisin ang Sulu Province sa Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao.
Ayon kay Comelec chairman George Erwin Garcia, wala namang nasasabi sa kanila na huwag ituloy ang halalan sa naturang rehiyon.
Paliwanag ni Garcia, hanggat walang utos ang korte na ipagpaliban ang eleksyon, itutuloy ng poll body ang halalan.
Una rito , naghain ng resolusyon si Michael Midtimbang na miyembro ng parlyamento na nananawagan sa Kongreso na ipagpaliban ang halalan sa rehiyon.
Ito ay upang mabigyan sila ng sapat na panahon para amyendahan ang batas at muling makapag assign ng seven seats.
Giit ni Garcia, hindi na ito mahihintay ng Comelec dahil sa susunod na taon na ang nakatakdang eleksyon.