-- Advertisements --
Nagtala ang Commission on Election (COMELEC) ng mahigit na 100,000 na mga Filipino na nagprehistro magmula ng buksan nila ang registration noong Agosto 1.
Sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez, ang nasabing bilang ay siyang pinakamalaking turnouts mula sa iba’t-ibang Comelec offices nila sa bansa.
Karamihan sa 100,399 na nagparehistro ay mga aplikante bilang regular voters habang mayroon lamgn 8,007 ang nagpatala para makaboto sa Sangguniang Kabataan election.
Sa nabanggit na bilang ay pinakamalaking bilang ang Calabarzon na mayroong 19,651 habang ang Central Visayas ay siyang may pinakamababang bilang.