-- Advertisements --

Inaasahan pa rin ng Commission on Elections ang mas maraming kukuwestiyon sa nauna nitong inilabas na desisyon na nagdi-diskwalipika sa Smartmatic na sumali pa sa mga bidding sa susunod na halalan.

Ayon kay Comelec Chairman George M. Garcia, inaasahan na nilang may mga kukuwestyon sa naturang desisyon sa Korte Suprema.

Tiyak aniyang may maghahain ng protesta laban dito, at pinaghahandaan na ito ng komisyon.

Una nang sinabi ng Smartmatic na hindi ito nabigyan ng pagkakataon upang magbigay ng sarili nitong kumento sa naging desisyon ng COMELEC.

Nitong araw ng Miyerkules, November 29, inilabas ng COMELEC en banc ang naturang desisyon na sumesentro sa umano’y pagtanggap ni dating Comelec Chairman Juan Andres Bautista ng suhol, upang i-award sa Smartmatic ang kontrata para sa 2016 automated elections(National/Presidential).