-- Advertisements --

Gumagawa na ngayon ng Commission on Election (Comelec) ng mga pagbabago para sa 2022 presidential elections.

Sinabi ni Comelec Commissioner Aimee Ampoloquio na mahigpit nilang tinitingnan ang kalagayan ng COVID-19 sa bansa.

Sa kasalukuyan kasi ay nasa guidelines pa rin nila ang pagsasagawa ng face-to-face campaign.

Sakaling hindi puwede pa ang pagkakaroon ng face-to-face na pangangampanya ay posibleng magsagawa sila ng ibang paraan para matuloy ito.

Sa mga susunod aniya na araw ay posibleng mailabas na nila ang nasabing mga pagbabago.

Magugunitang itinakda sa Oktubre 1-8, 2021 ang paghahain ng certificate of candidacy ng mga tatakbo sa national at local position.

Habang sa Feb. 8, 2022 hanggang May 7, 2022 itinakdan ang campaign period ng mga tatakbo sa national position at sa Marso 25, 2022 – Mayo 7, 2022 itinakda ang kampanya ng mga tatakbo sa local position.