-- Advertisements --

Pinayagan ng Commission on Elections (Comelec) ang pagpapatupad ng tatlong proyekto ng gobyerno mula sa election spending ban.

Isa na dito ang Fuel Subsidy Program (FSP) na mayroong aprubadong pondo na mahigit P1 billion na ipapamahagi sa loob ng 45 election ban period.

Kabilang din sa mga pinayagang subsidy program ang Public Utility Vehicle Service Contracting Program na may pondong mahigit P5.9 billion at mahigit P187 million para sa Public Utility Vehicle Modernization Program.

Pinayagan din ang paglalabas ng P22.4 million para sa Entrepreneur Program (Social Support Component) at P1.05 billion.para sa Financing Component.

Bukod sa dalawang departamento, ipinag-utos din ng poll body sa iba pang ahensya at entity tulad ng Land Bank of the Philippines, Department of Labor and Employment (DOLE), at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na sangkot sa mga programa na indibidwal na magsumite ng kanilang plano para sa implementasyon ng programa sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga benepisyaryo, kung kailan at paano gayundin para magbigay ng mga dokumento o ulat ng mga nakaraang pamamahagi ng naturang subsidy program.

Sa inilabas na Comelec Resolution, inaprubahan ng Commission en banc ang petisyon na inihain ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) na humihiling na i-exempt sa election ban ang implementasyon ng mga subsidy program.