-- Advertisements --

Ibinahagi ng Commission on Election (COMELEC) na mayroong 66 na personalidad ang kanilang nasa partial at initial list na mga tatakbong senador sa susunod na halalan.

Ayon sa COMELEC, na ang nasabing bilang ay mula sa kabuuang 184 na mga kandidato na naghain ng kanilang Certificate of Candidacy na nagtapos noong Oktubre 8.

Tanging isang kandidato lamang ang nag-withdraw ng kaniyang COC at ito ay si dating defense Secretary Delfin Lorenzana.

Kinumpira rin ng COMELEC na otorisado ang kanilang law department na maghain ng petitions para magdeklara bilang nuisance candidates ang 117 iba pang mga indibidwal na naghain ng kanilang COC.