Inilabas na ng Commission on Elections (Comelec) ang implementing rules and regulations (IRR) para sa pagsasagawa ng “e-rallies” bilang alternatibo sa mga physical na rallies para sa 2022 national elections dahil sa COVID-19.
Magiging gabay ang IRR sa implementasyon ng Republic Act 9006 o ang Fair Election Act para sa May 9, 2022 national and local elections.
Kabilang sa nasabing IRR ay ang pagsasagawa ng libreng livestreaming ng e-rallies para sa mga presidential, vice-presidential at senatorial candidates ganon din sa mga partylist organizations.
Ang live-streaming ng e-rallies ay isasagawa kada gabi simula Pebrero 8, 2022 sa official media channels ng Comelec.
Nakasaad dito na mayroong tig-10 minuto ang tatlong presidential at tatlong vice presidential candidates kada gabi.
Habang ang mga senatoriables ay mayroong tatlong minuto ganon din ang 10 partylist groups.