-- Advertisements --

Inilatag ng Commission on Elections (Comelec) ang mga aprubadong lugar para sa mock elections bilang paghahanda sa 2025 midterm elections.

Bagamat ayon kay Comelec Deputy Executive Director Rafael Olaño, wala pang kumpirmadong petsa sa ngayon kung kailan isasagawa ang mock elections.

Kabilang sa mga pagdarausan ng mock elections ay ang sumusunod:

Sa National Capital Region ay sa Pateros, Taguig City at Makati City.

Sa Cordillera Administrative Region naman ay sa Bontoc, Mountain Province, Sagada, Mountain Province, Region IV-A, Antipolo sa Rizal, Jala-jala, Rizal, Region VIII, Borongan City sa Eastern Samar at Lawaan sa Eastern Samar

Sa CARAGA ay sa Surigao at Placer, Surigao del Norte habang sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ay sa Pikit, North Cotabato at Old Kabacan sa North Cotabato.

Sa Region IX naman ay sa Jolo, Sulu at Patikul, Sulu.