Nakaambang madiskwalipika ang nasa 39 na kandidato para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections dahil sa maagang pangangampaniya.
Kaugnay nito inisyuhan ng Commission on Elections ng show cause order ang naturang mga kandidato upang magpaliwanag.
Ito ang magiging basehan ng poll body upang maghain ng disqualification at kaso ng election offense na may parusang isa hanggang anim na taon na pagkakakulong.
Sinabi naman ng Comelec chief na ang 39 na kandidatong ito ay hiwalay pa mula sa 128 petisyon para sa disqualification na isinumite sa Comelec pagkatapos ng paghahain ng certificates of candidacy.
Target naman ng poll body na ilabas ang desisyon sa disqualification petitions bago ang araw ng lokal na halalan sa OKtubre 30 ng kasalukuyang taon.