Pumayag na ang Commission on Elections En Banc sa proposal ni Comelec chairman George Garcia na ipagbawal na ang substitution pagkatapos ng huling araw ng paghahain ng certificate of candidacy kung ang dahilan lamang ay withdrawal ng candidacy.
Iyan mismo ang ibinunyag ni Comelec chair Garcia ngayong araw.
Gayunpaman, klinaro ni Garcia na papayagan ang substitution o ang pagpalit ng ibang kandidato kung ang orihinal na kandidato ay namatay o na-diskwalipika.
NGunit ito ay dapat na kapareho ng family name ng orihinal na kandidato o ‘di kaya’y miyembro ng kaparehong partido.
Kung matatandaan, parehong dumaan sina dating Pangulong Rodrigo Duterte at anak nitong si Vice President Sara Duterte sa substitution noong 2016 at 2022 elections dahil pinapayagan pa noon ang substitution by withdrawal hanggang November 15.
Magsisimula ang paghahain ng Certificate of Candidacy para sa May 2025 midterm elections sa October 1 hanggang October 8, 2023.