-- Advertisements --
denr campaign materials

Ipinagbabawal ng Commission on Elections (Comelec) ang pamamahagi ng mga ballers, damit, payong, at iba pang campaign paraphernalia na may pangalan at logo ng kandidato sa darating na BSKE.

Ayon sa Comelec, ang nasabing hakbang ay maituturing kasing vote-buying.

Sinabi ni Comelec Spokesperson John Rex Laudiangco na batay sa Omnibus Election Code, ang mga sumusunod lamang ang papayagan bilang campaign o election propaganda sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections;
– mga leaflet o flyer na hindi lalampas sa karaniwang sukat na 8.5 by 14 inches
-mga poster o tarpaulin na hindi lalampas sa 2 feet by 3 feet
-mga banner o streamer na hindi lalampas sa 3 feet by 8 feet.

Aniya, kung nais ng mga kandidato na ipamahagi ang mga election paraphernalia na ipinagbabawal ng Omnibus Election Code, dapat silang humingi ng special permit mula sa Comelec.

Ang mga tagasuporta na namamahagi din ng mga campaign paraphernalia ay sakop ng batas at mapaparusahan kung lalabag ang mga ito.

Kung mapapatunayang lumabag sa batas ang isang indibidwal, sinabi niya na maaaring magsagawa ng preliminary investigation ang Comelec at maaaring magsampa ng criminal offense laban sa respondent sa Regional Trial Court.