-- Advertisements --

Tiniyak ng Commission on Election (COMELEC) na walang makakapigil sa 2022 elections.

Sinabi nito na nakahanda na rin sila sa unang parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) kahit na may ilang senador ang nagsusulong na ipagpaliban na lamang ito.

Makakasabay ng BARMM elections ang local and national elections sa Mayo 9, 2022.

May mga ginawa na rin silang adjustments lalo ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.