Pansamantalang ipinatigil ng Commission on Elections (COMELEC) En Banc ang pamimigay ng ayuda na nagkakahalaga na mahigit 273M sa may Batangas dahil sa umano’y nagagamit ito sa pangangampanya. Sinuspinde ng COMELEC En Banc ang ibinigay na exemption sa pamahalaang panlalawigan ng Batangas kung saan gobernador si Hermilando Mandanas.
Ang hakbang na ito ng poll body ay kasunod ng akusasyon ng Progressive Allied Batangas (PAB) na posibleng nagagamit ang naturang pamamahagi ng ayuda sa pangangampanya ng gobernador at ng iba pang kandidato sa lalawigan. Kaugnay pa nito, wala rin umanong malinaw na guidelines sa pamamahagi ng ayuda.
Kasalukuyan ng pinapa-imbestigahan ng COMELEC En Ban sa kanilang Law Department ang naturang alegasyon.
Dahil sa naging kautusan ng komisyon, ipinahinto rin muna ng pamahalaang panlalawigan ng Batangas ang pagbibigay ng scholarship assistance.