-- Advertisements --

Ipinaliwanag ng Commission on Elections ang iregular na pagtaas sa bilang ng mga bagong botante.

Ayon kay Comelec chairman George Erwin Garcia, ang mga inisyung barangay certification of residency ang nasa likod ng napaulat na pagtaas ng bagong mga botante sa ilang mga lugar.

Ginawa ni Garcia ang naturang pahayag matapos sabihin ni Cagayan de Oro First District Representative Lord Suan na may iregular na pagtaas sa bilang ng mga bagong botante sa Batangas, Makati at Nueva Ecija.

Una ng sinabi ni Garcia noong Oktubre na maglulunsad ng imbestigasyon ang poll body sa pamamagitan ng isang task force kaugnay sa naturang insidente.