-- Advertisements --
image 399

Ipinaliwanag ng Commission on Elections (Comelec) kung bakit nagpasya itong magsagawa ng pilot testing sa automated election system ng barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) sa 3 barangay sa bansa.

Ayon sa poll body, ang mga botante sa dalawang nayon sa Dasmariñas, Cavite, at isa pang barangay sa Quezon City ay boboto sa pamamagitan ng automated voting sa Oktubre 30.

Sinabi ni Commissioner George Erwin Garcia na maaari ding gamitin ang automation para sa 2026 barangay elections.

Aniya, marapat umanong subukan ang mga naturang machines sapagkat kung saka-sakali na magpapalit ng makina na gagamitin sa taong 2025, dapat na mapag-isipan at mapag-aralan din kung maayos ang makina na gagamitin para sa halalan.

Nauna nang sinabi ni Garcia na habang magkakaroon ng automated elections ang tatlong barangay, isasagawa pa rin ang manual counting ng mga boto, kung saan ang SD card ay pisikal na dadalhin sa canvassing area.

Bago ang pilot testing, isasagawa rin ang dry run sa mga subject areas na pagdadausan ng nasabing botohan.