CAUAYAN CITY- Handang Handa na ng COMELEC Isabela sa isasagawang mock election sa Isabela na isasagawa sa Cauayan City at bayan ng Cordon.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Provincial Election Supervisor Atty. Manuel Castillo, sinabi niya na sa kasalukuyan ay hinihintay na lamang nilang dumating ang gagamiting election paraphernalia subalit nakahanda na ang lahat maging ang mga botante na natukoy na bomoto.
Kabilang sa mga natukoy na boboto ay mula sa barangay Minante Uno at District 1dito sa Cauayan City habang barangay Magsaysay at barangay Gayong sa Cordon na pawang may tig-100 na botante na boboto sa mock election.
Sakaling hindi magtungo ang ilang baotante mula sa mga napiling barangay ay pipili ang COMELEC Isabela sa ilang indibiduwal na maaaring pumuno sa 100 kinakailangang botante.
Magkakaroon ng actual voting sa pagsasagawa ng mock election na mayroong actuwal na guro o poll watcher at supporting staff na mangunguna sa botohan sa mga voting polling centers.
Dahil simulation ang isasagawang botohan ay susundin rin ng COMELEC ang duration ng pagboto at magkakaroon rin ng closing time ng botohan.
Pagkatapos ng botohan ay sisimulan na ang pag-transmit ng data ng VCM sa Municipal Board of Canvassers ng Cauayan City at Cordon.
Oras na matanggap na ng Municipal Board of Canvassers ng Cauayan City at Cordon ang kanilang resulta ay ipapadala naman ito sa provincial board of canvassers.
Bago ang simulation ay inaasahang darating sa lalawigan ang ilang trainers na magmumula sa Metro Manila para sa Final briefing maging ang final checking sa mga magsisislbing Election Officers at guro.