Wala pa rin magiging pagbabago sa kasalukuyang mga opisyal sa Commission on Election (Comelec) en banc ayon kay Commissioner George Erwin Garcia.
Ito ay matapos na magbitiw sa kanyang pwesto bilang gun ban committee chairperson si Commissioner Socorro Inting bilang protesta umano sa iginawad na kapangyarihan kay Comelec Chairman Saidamen Pangarungan na ideklarang nasa ilalim na ng kontrol ng Comelec ang isang lugar.
Ayon kay Garcia, sa ngayon ay wala munang magiging pagbabago dahil ipinaglaban aniya ng Comelec ang pagkonsidera sa irrevocable resignation ni Inting.
Itinanggi naman niya na mayroong pagkakabaha-bahagi o awayan sa loob ng komisyon at sa katunayan pa nga aniya ay wala naman oposisyon at objection sa kanilang ginagawang mga agenda.
Magugunit ana kamakailan lang ay ipinahayag ni Inting na mawawalang katuturan at magiging inutil na ang Committe on the Ban on Firearms and Security Concerns (CBFSC) matapos na maisapinal ilang mga pagbabago sa komisyon sa kanilang naging pagpupulong noong nakaraang linggo.