-- Advertisements --
Ballot Boxes with broken seal Pasig

Mariing itinanggi ng Comelec ang mga ulat na mayroong tampered ballots sa Pasig City.

Paglilinaw ito ni Comelec Spokesperson James Jimenez matapos na kumalat sa social media ang larawan ng napunit na seal sa isang van na nag-deliver ng mga balota sa Pasig City na gagamitin sa May 13 elections.

Ayon kay Jimenez, nagsagawa na ng imbestigasyon ang shipping committee sa nasabing issue at kanilang natukoy na “accidental” ang pagkakapunit ng seal sa van.

Hindi raw talaga maiiwasan na mapupunit ang seal o sticker na inilagay sa mga shipping vans.

“The doors of a wing van, which is what we use for the delivery, tend to move a lot. And so, if you have a tape or a sticker basically attaching two parts of a moving truck, there is a tendency to tear,” ani Jimenez.

Hindi rin aniya dapat gawing batayan ang pagkakapunit ng exterior sticker para matiyak ang integridad ng halalan.

Iginiit ni Jimenez na ang dapat tiyakin ay hindi nawala o nasira ang seal sa mga box na naglalaman ng balotang gagamitin sa nalalapit na halalan.

“The shipping committee advised that in order to check the integrity of the entire shipment, you don’t just look at whether or not the exterior sticker is intact, you check to see whether the packaging of the cargo is intact. Each bit of cargo in those trucks is sealed individually. The boxes of ballots are actually shrinked wrapped and there are again there are seals all over the place,” dagdag pa nito.