-- Advertisements --
Comelec building 2022 05 26 01 04 03

Kailangan nang simulan ng Commission on Elections (Comelec) ang paglilinis sa listahan nito ng mga botante para sa 2025 midterm elections.

Ito ang binigyang diin ni National Citizens’ Movement for Free Elections (Namfrel) Chairman Lito Averia Jr.

Ayon sa lider ng election watchdog, nakabubuting dito na muna mag-pokus ang komisyon sa halip na mag-concentrate pa sa pag-dedesisyon kung gagawin bang automated o manual ang susunod n halalan.

Ayon kay Averia, ito ay upang matiyak na malinis ang naturang listahan, lalo na at una nang lumalabas na may mga nakalusot na botante sa nakalipas na BSKE 2023.

Maalalang sa katatapos na BSKE ay tinanggal ng COMELEC ang humigit-kumulang 400,000 double at multiple registrants mula sa voters list, kasabay ng paghahain ng kaso laban sa kanila.

Sinabi ni Averia na kailangang matiyak ang malinis na listahan ng mga botante sa panahon ng hallaan dahil dito rin nakabase ang porsyento ng turnout, at malinis na voting process.

UNa na ring sinabi ng COMELEC na nais nitong malinis ang mga flying voters sa bansa, o yaong mga botanteng kung saan-saan naka-rehistro gayong hindi naman sila nakatira sa lugar.

Sa ilalim kasi ng sistema na sinusunod ng Pilipinas, maaari lamang bomoto ang isang botante bastat nakalista ang kaniyang pangalan sa lugar kung saan siya boboto.