Ipinaliwanag ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Erwin Garcia ang naging dahilan ng pagtanggal sa pangalan ng kalaban ni House Speaker Martin Romualdez na si Romilda Bacale sa pagiging first district representative ng Leyte. Aniya, hindi siya kwalipikadong maging botante ng lugar.
Ang komisyon ay may kapangyarihang administratibo na i-cancel ang Certificate of Candidacy lalo na kung nakitaan ito ng problema. Kaugnay pa nito, ang Election Registration Board (ERB) at korte ang nagbigay ng hatol na “final and executory” kaya naman tinanggal na ang kanyang pangalan sa ballot face template.
Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, ang naturang kandidato ay lumipat mula Sampaloc, Maynila papuntang Tacloban City kaya hindi ito naging sapat upang siya ay maging kwalipikadong botante ng Tacloban City. Sa kasalukuyan, siya ay mananatiling botante ng Sampaloc, Maynila.
Dagdag pa ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia, marami ng naging kaso na kapareho nito, ang pag-cancel administratively ng certificate of candidacy. Aniya, naging kontrobersyal lamang ito dahil nasama si speaker of the house Martin Romualdez sa usapin.