-- Advertisements --

Kinansela ng Commission on Elections ang nuisance petition na inihain kontra kay Kingdom of Jesus Christ Leader Pastor Apollo Quiboloy na siyang kumakandidato sa pagka-senador para sa 2025 national and local elections.

Paliwanag ng komisyon, hindi sapat na grounds ang mga alegasyong kumankandidato lamang ang pastor bilang stratehiya para mawalan ng bisa ang mga kasong isinampa sa kaniya para maideklara ito bilang isang nuisance candidate.

Dahil dito kinansela ng Comelec ang petisyon na kanselahin ang certificate of candidacy ng pastor.

Matatandaan namang naghain ng petisyon para maideklarang nuisance candidate si Quiboloy ay ang Workers and Peasants Party (WPP) President Sonny Matula.

Sa naging deliberasyon ng Comelec First Division, naghain ito ng resolusyon kung saan nakasaad dito na dapat pa umano sumailalim sa isang masusing konsiderasyon ang petisyon para sa pagiging karapat-dapat at dapat na i-dismiss.

Binigyang diin din sa resolusyon na ang mga petitioner ay bigo na mapatunayan na si Quiboloy ay dapat mapabilang sa mga nuisance na kandidato.

Samantala, nitong Oktubre naghain ng kaniyang COC si Quiboloy sa pagka-senador para sa Mayo 2025 sa pamamagitan ng kaniyang abogado at representative, Mark Tolentino.

Ito ay agad na kinwestiyon ni Matula at sinabing hindi lehitimo ang pagpapasa ng COC nito dahil unauthorized at walang consent ang naturang COC filing mula sa partido nito.