-- Advertisements --

Mas kinilala ng Commission on Elections (Comelec) ang faction ng partido na sinusuportahan ng Pangulong Rodrigo Duterte bilang lehitimong PDP-Laban kaysa sa grupong na pinangungunahan ni Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III.

Kung maalala ang ama ni Koko na si dating Senate President Aquilino Pimentl Jr., ang founder ng partido PDP-Laban.

Sa inilabas na desisyon nitong araw ng Biyernes, pinagbasehan ng Comelec special division ang naging presensiya umano ni Duterte sa isinagawang PDP-Laban national assembly noong July 17, 2021.

Gayundin ang council meeting na ginanap naman noong May 31, 2021.

“Considering that Chairman Duterte’s championship is an undisputed and well-settled fact in the aforementioned dates, it is also undisputed that Chairman Duterte’s acts on even dates are valid and effective,” bahagi pa ng ruling ng Comelec division.

Dineklara rin ng special division na ang grupo ni Pangulong Duterte sa pangunguna ni Energy Secretary Alfonso Cusi ang siya umanong tunay na opisyal na miyembro ng partido.