Mariing kinondena ng Commission on Elections (COMELEC) ang pagpatay sa isang election officer mula sa Lanao del Norte. Ayon sa komisyon ito ay malinaw na karahasan na konektado sa eleksyon.
Dagdag pa ng komisyon na ang naging pagpatay ay hindi lamang laban sa public servant pero pag-atake rin sa demokrasya ng bansa.
Nakikiramay rin ang buong komisyon para sa pagkawala ng kanilang kasamahan na tunay na nagpakita ng katapangan at integridad bilang isang election officer. Tiniyak din nila na patuloy ang kanilang imbestigasyon sa kasong ito at sisiguraduhin na magkakaroon ng hustisya.
Samantala, natukoy na ang election officer ay si Mark Orlando Q. Vallecer II na pinatay sa Salvador, Lanao del Norte.
Ang naturang lugar ay bahagi ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARRM) na kung saan marami na rin ang naitalang kaguluhan bago pa man ang kauna-unahan nilang parliamentary polls sa susunod na taon.