-- Advertisements --

Kinondina ng Commission on Elections (Comelec) ang naganap na pamamaril sa tumatakbong alkalde ng Abuera, Leyte na si Kerwin Espinosa.

Sinabi ni Comelec Chiarman George Garcia, na dapat ay agad na maaresto ang mga suspek at sila ay sampahan ng kaso.

Ang halalan ay hindi aniya sa patayan at sa halip ay magbibigay buhay sa demokrasya sa bansa.

Dagdag pa nito na balota at hindi bala ang kasagutan sa ating problema.

Magugunitang nitong araw ng Huwebes ng pinagbabaril ang convoy ni Espinosa habang ito ay nasa kasagsagan ng pangangampanya nito sa Barangay Tinag-an sa Albuera, Leyte.

Si Espinosa ay unang inakusahan na sangkot sa bentahan ng iligal na droga sa bansa.