-- Advertisements --
Tiniyak ng Comelec na matutuloy ang halalan sa darating na Mayo 13.
Paglilinaw ito ni Comelec Spokesperson James Jimenez nitong araw matapos na lumutang sa mga nakalipas na araw ang iba’t ibang issue na may kaugnayan sa halalan.
Ngayong malapit na ang halalan, umaasa si Jimenez na magiging “generally peaceful” ang pagdaraos ng 2019 midterm elections.
Una rito, sinabi ni Jimenez na handa silang rumisponde sa anumang last-minute na problema na posibleng mangyari sa halalan.
Samantala, sa ngayon, nagsasagawa ang Comelec ng final testing at sealing sa vote-counting machines na gagamitin sa eleksyon.