-- Advertisements --
Pinag-aaralan na ng Commission on Elections ang Certificate of Candidacy ng mga kandidatong may kinakaharap na mga kaso.
Ito ay upang matukoy kung sino sa mga kandidato ang dapat matanggal sa pinal na listahan dahil sa kinakaharap na disqualification from holding public office.
Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na masusing inaaral ng mga legal expert ng komisyon ang kaso ng mga ito bilang bahagi ng kanilang trabaho.
Susundan naman ito ng ‘cleansing process’ kung saan tutukuyin na ng komisyon ang mga kandidatong matatawag na ‘nuisance’ o pampagulo lamang sa halalan.
Tiniyak naman ng opisyal na lahat ng mga pangalan ay sasailalim sa mahigpit na pag-aaral ng komisyon, bago tuluyang ilabas ang pinal na listahan.