Kakasuhan ng Commission on Elections (Comelec) ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan na nakialam at nagbanta sa poll workers noong Barangay at SK elections.
Ayon kay Comelec chairman George Garcia, nagpatawag ito ng isang pagpupulong kung saan isasapinal aniya ang listahan ng mga nakialam sa lokal na halalan posible ngayong araw ng Lunes.
Sinabi pa ng Comelec chair na kailangang seryosohin ang bagay na ito lalo na’t maaari aniyang maulit ito sa mga susunod na halalan.
Iginiit din ni Garcia na hindi sasampahan ng kaso ang mga kaguruang nasilbi sa lokal na halalan kundi ang mga nangimpluwensiya at nanakot sa kanila.
Ayon sa opisyal, nasa mahigit 10 reklamo laban sa LGU officials ang kanilang natanggap na nangialam sa BSKE noong Oktubre 30.
Ang mga reklamong ito ay kailangan aniyang maberipika at maimbestigahan saka ito idudulog sa DILG.