-- Advertisements --

Nakahandang maghain ng show cause order ang Commission on Elections (Comelec) sa mga kandidatong gumagamit ng mga sexist na mga pahayag sa kanilang mga political speeches.

Ito ang naging babala ni Comelec Chairman George Erwin Garcia matapos na mag-viral ang isang kandidato na nagiwan ng isang malaswang biro sa mga single moms sa isa sa kaniyang mga political rallies.

Sa isang pahayag, binigyang diin ni Garcia na walang puwang sa lipunan ang ganitong klase ng mga malalaswang pahayag lalong-lalo na ang gender discrimination sa mga political campaigns.

Aniya, agad na bubuo ng resolution ang kanilang komisyon para sa konsiderasyon na gawing ligtas sa publiko ang mga campaign rallies, mga election precincts at maging mga canvassing centers para mapaigting ang anti-discrimination guidelines ng kanilang opisina na siyang tatalakayin sa isang Comelec En Banc sa sususnod na linggo.

Samantala, nagpahayag naman ang kandidato ng pagkadismaya dahil sa maling pagkakaintindi ng publiko sa kaniyang mga naging pahayag.

Aniya, ang maliit na bahagi na ito ng kaniyang pahayag ay agad na nabigyan ng kulay na hindi naman isang personal na atake.