-- Advertisements --
image 525

Isiniwalat ng Commission on Elections (Comelec) na maglalabas ito ng resolusyon ukol sa ‘exemption’ sa pagpapalabas ng fuel subsidy sa mga driver ng pampublikong sasakyan mula sa election spending ban kaugnay ng Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) na itinakda sa Oktubre 30.

Ayon kay Comelec chairman George Garcia, pagkatapos sa Kongreso, ilalabas ng COMELEC ang resolution ukol sa election spending ban sa fuel subsidy.

Aniya, sa isang araw lamang aymailalabas ang nasabing resolution.

Nauna nang inilabas ng poll body ang Comelec Resolution 10944 na nagbabawal sa “releasing, disbursing, or spending of public funds for social welfare projects” mula Setyembre 15 hanggang Oktubre 30, na araw ng barangay at youth polls.

Giit ni Garcia na habang saklaw lamang ng Comelec Resolution ang pamamahagi ng tulong na ibinibigay ng mga barangay, mas mabuting maglabas ng tahasang Resolution na sumasaklaw sa fuel subsidy upang maiwasan ang mga legal questions.

Nauna nang sinabi ng state-run LandBank of the Philippines na hinihintay nito ang desisyon ng Comelec kaugnay ng disbursement ng fuel subsidy.