-- Advertisements --
Nakatakdang maglabas ang Commission on Elections (Comelec) ng statement kaugnay sa sinunog na vote counting machines (VCM) at mga balota sa Jones, Isabela at sa Zamboanga del Sur.
Gayunman hindi muna nagbigay ng karagdagang detalye si Comelec Spokesperson James Jimenez kaugnay sa mga nasunog na VCM at mga balota at kung ano ang epekto nito sa halalan.
Una rito, sinabi ng Isabela police na
may sinunog na VCM sa Jones kabilang na ang 200 unread ballots noong Martes ng umaga.
Ayon kay Arlyn Borromeo Santos, miyembro ng board of election inspectors (BEI), hinarang umano sila ng armadong kalalakihan saka sinunog ang VCM at mga balota.
Miyerkules naman ng gabi nang napaulat ang pagsunog sa VCM sa San Pablo, Zamboanga del Sur.