BUTUAN CITY – Plano ng Commission on Elections o COMELEC na maglagay ng isang voting precinct sa komunidad ng Socorro Bayanihan Services Inc. o SBSI sa Sitio Kapihan, Barangay Sering, sa bayan ng Socorro, Surigao del Norte para sa May 2025 midterm elections.
Inihayag ito ni Commission on Elections o COMELEC chairman George Erwin Garcia sa kanyang pangunguna sa isinagawang satellite voter’s registration and education sa naturang bayan.
Ayon sa opisyal, may mahigit na 2-libong mga botante ang nasabing komunidad na sapat na upang hindi na kailangan pang bibiyahe sa sentrong bahagi ng bayan ang mga miyembro ng binansagang kulto, upang boboto lang.
Dagdag pa ni Atty. Garcia, hindi labag ang kanilang plano sa kautusan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa pag-relocate ng mga residente dahil layunin lamang nila na matiyak, na ang lahat ng mga kwalipikadong botante, ay makakaboto.
Maliban dito’y kailangan ding mararamdaman ng mga miyembro ng komunidad na umabot sa kanila ang serbisyo ng gobyerno.