-- Advertisements --

Ilulunsad ng Commission on Elections (Comelec) ng Task Force Kontra-Bigay upang maiwasan ang vote-buying ngayong panahon ng kampanya.

Ipinahayag ito ni Comelec Commissioner George Garcia kasabay ng kanyang pagbibigay babala sa lahat ng mga tumatakbong kandidato hinggil sa pagpapa-raffle ng mga ito sa kanilang mga pangangampanya lalo ngayong nagsimula na ang 45-day campaign period para sa mga lokal na kandidato.

Nakasaad aniya sa Section 261 ng Omnnibus Election Code na hindi lamang tungkol sa pagbibigay ng pera ang vote-buying, kundi sa magiging impluwensya ng isang bagay sa boto ng isang botante.

Ito ang dahilan kung bakit maituturing na rin daw na vote-buying ang mga raffle o anumang uri ng donasyon, maging ang anumang klase ng mga pangangako .

Sinabi ni Garcia na ang raffle o anumang uri ng donasyon ay maaaring ikonsidera na rin bilang vote-buying.

Nakasaad aniya sa Section 261 ng Omnibus Election Code na hindi lamang tungkol sa pagbibigay ng pera ang vote-buying, kundi magiging impluwensya ng isang bagay sa boto ng isang botante tulad na lamang ng mga pangangako.

Ang Task Force Kontra-Bigay ng Comelec ay binubuo ng iba’t-ibang sangay ng pamahalaan kabilang na ang Department of Justice, National Bureau of Investigation, Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, at Philippine Information Agency.

Maaari itong magsagawa ng motu proprio investigation na kinasasangkutan ng vote-buying, may formal complaint man o wala.

Samantala, patuloy naman na hinimok ni Commissioner Garcia ang mga botante na tanggihan ang anumang uri ng vote-buying at agad na iulat ito sa Comelec dala-dala ang matibay na ebidensya ng naturang ilegal na gawain.