-- Advertisements --
Magsasagawa ang Commission on Elections ng limitado o special voters registration para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL) ngayong Lunes at Martes sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.
Inanunsyo naman ng Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. na humigit kumulang 2.431 PDLs ang karapat-dapat na makilahok sa nasabing registration.
Ayon naman sa resolusyong inihain ng COMELEC, ang mga dapat lamang payagang mag-register ay ang mga sumusunod;
- Ang mga nakakulong na pormal na sinampahan ng anumang krimen at naghihintay o sumasailalim sa paglilitis.
- Ang mga nagsisilbi ng sentensya ng pagkakulong nang wala pang isang taon.
- Ang mga nahatulan ng mga krimen na kinasasangkutan ng kawalan ng katapatan sa nararapat na itinalagang pamahalaan, tulad ng rebelyon, sedisyon, paglabag sa mga batas ng baril, o anumang krimen laban sa pambansang seguridad, o anumang iba pang krimen, ay inaapela.
Dagdag pa ni Catapang, magdadagdag seguridad ang ahensiya kung saan gaganapin ang registration.
Magbibigay naman ng karagdagang suporta ang PNP Muntinlupa City sa nasabing kaganapan.