Magsasagawa ang Commission on Election (COMELEC) ng pagboto sa pamamagitan ng internet para sa mga Filipino na nasa ibang bansa.
Ang nasabing paraan ay matapos na pumasok sa kasunduan ang COMELEC sa kumpanyang Indra Sistemas at Voatz.
Sinabi ni Atty. Rowena Guanzon ang commissioner-in-charge sa overseas voting na magsisimula ang “live test run” sa buwan ng Hulyo.
Masusubukan dito ang mobile app ng Comelec na inilaan para sa mga lehitimong botanteg Pinoy na nasa ibang bansa.
Ito na ang ikatlong bahagi ng plano ng Comelec na actual voting activitiy dahil noong 2020 at first quarter ng 2021 ay natapos na ang first at second phase ng internet voting system.
Isasagawa ang pagpaparehistro ng mga Pinoy na nasa ibang bansa para sa test run hanggang Hunyo 25.